Disyembre 19, 2002 Memorandum No. ERR-02-140 PARA SA : Lahat ng Dekano, Direktor at Pinuno ng Unit PAKSA: Guidelines para sa Nominasyon sa Gawad Tsanselor, Pinakamahusay na Guro sa Filipino -------------------------------------------------------------------------- Nais naming ibahagi sa inyo ang guidelines para sa isa pang kategorya sa Gawad Tsanselor, ang Pinakamahusay na Guro sa Filipino (Gurong gumagamit ng Filipino Bilang Wikang Panturo). Karagdagan ito sa guidelines na naipadala na sa iba't ibang yunit akademiko. Ang Gawad Tsanselor, Pinakamahusay na Guro sa Filipino ay kauna-unahang ipagkakaloob sa taong ito. Igagawad ito sa gurong gumagamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo. Pangunahing layunin nito ang kilalanin ang mga gurong nagsusulong ng wikang pambansa sa akademya at hikayatin ang iba pa na gamitin ang Filipino sa larangang akademiko. *Lakip nito ang tiyak na criteria para sa nabanggit na Gawad. Inaasahan naming isusumite ninyo ang nominasyon ng guro ninyong karapat-dapat sa natatanging Gawad na ito. Tulad ng iba pang kategorya para sa Gawad Tsanselor, maaari ninyong ipadala ang inyong nominasyon kay: Demetria C. Bongga Bise Tsanselor para sa Pananaliksik at Pagpapaunlad Pangkalahatang Tagapangulo ng Komite sa Gawad Tsanselor Ang deadline para sa pagsumite ng nominasyon ay sa Miyerkules, Enero 15, 2003. Kung mayroon kayong anumang tanong. maari kayong sumangguni sa inyong lingkod sa sumusunod na address: Opisina ng Bise Tsanselor para sa Gawaing Pang-akademiko Pangalawang Palapag Quezon Hall Unibersidad ng Pilipinas Diliman Tel.: 928-2889 o lok. 4820; 4821; 4959 Maraming salamat. Amelia P. Guevara Officer-in-Charge UP Diliman * walang kalakip