Enero 30, 2003 MEMORANDUM NO. ERR-03-017 PARA: UP Diliman Community PAKSA: UP Diliman Month 2003 ______________________________________________ Parating na naman ang Pebrero---ang taunang pagdiriwang natin ng UP Diliman Month. Ang tema ng ating selebrasyon ay Pamilya: Sibol ng Dunong at Asal. Kalakip dito ang programa na kinapapalooban ng sari-saring kaganapan na inihanda ng iba't ibang sektor sa ating Unibersidad. Natitiyak kong magkakasama tayo sa pagpapahalaga sa buwan na ito sapagka't ang mga college weeks, festivals, exhibits, concerts, at symposia ay magbibigay buhay sa malawak at malalim na karunugan ng ating komunidad sa kultura, sining, at siyensiya. Isang linggo rin ang ating gugugulin sa pagbibigay ng mga parangal at papuri (Ang Gawad Chanselor) sa mga natatanging guro, mananaliksik, administrador, lider estudyante, at iba pa. Ang aking opisina, kasama ng Office for Initiatives in Culture and the Arts (OICA) ay umaasa sa inyong kusang-loob at mainit na pagtangkilik sa mga kaganapan sa UP Diliman Month 2003. Maraming salamat. EMERLINDA R. ROMAN Chanselor