UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Extension Program in Pampanga

Clark Field, Pampanga

 

 

 

Course Outline Para sa  Araling Kapampangan 10

 

Bilang at Titulo ng Kurso: Araling Kapampangan 10: Mekeni Abe: Pangkalahatang Sarbey ng Kulturang Kapampangan

 

Deskripsyon:    Isang pangkalahatang pagtingin sa kultura ng rehiyon ng Pampanga kaugnay ang kasaysayan, panitikan, sining at sosyolohiya na nakapaloob dito.

 

Rationale:  Ang kabihasnan at kultura ng isang rehiyon ay mabibigyan ng maayos na pagpapakilala, pagkalinga at paglinang kung ito ay mapag-aaralan at maiuugnay sa pangkasalukuyang interes ng mga estudyante. 

 

Layunin ng Kurso:

 

1.        Maipakilala at maipamahagi sa mga mag-aaral ang identidad at kultura ng rehiyon ng Pampanga.

2.        Buhaying muli ang nawawala at nama-marginalize na kultura ng mga Kapampangan.

3.        Payabungin ang interes ng mga mag-aaral sa kanilang sariling kultura.

4.        Mabigyan ng lokal na konteksto ang mga programang di-gradwado ng UP Pampanga upang magkaroon ng akmang pananaw ang mga mag-aaral at maunawaan nila nang lubusan ang lipunang kanilang ginagalawan.

* Ang wikang gagamitin sa pagtuturo ay Pilipino, dahil ito ay mas malapit sa wikang Kapampangan.

 

Course Outline:

 

I.                     Maikling Kasaysayan ng mga Kapampangan: Pagbibigay ng malawakang pagtingin sa mga mahahalagang pangyayari sa rehiyon na may makabuluhang kaugnayan sa kasaysayan ng bansa        (2 linggo)

 

a.        Bago dumating ang mga Kastila

b.       Panahon ng mga Kastila

c.        Panahon ng Amerkano

d.       Panahon ng Hapon

e.        Kasalukuyang Panahon

 

Mga gawain: mga lektyur, pagpunta sa isang makasaysayang lugar ng Pampanga tulad ng Pamintuan House (kung saan ginanap ang unang anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas).

 

II.                   Ang Wikang Kapampangan (1 linggo)

 

Mga gawain:  pag-imbita sa mga eksperto sa larangan ng wika upang magbigay ng lektyur tungkol sa: a. Kapampangan ortography; b. ebolusyon ng wikang Kapampangan

 

III.                 Sarbey ng Panitikang Kapampangan: Mga sikat na porma at piyesa (7 linggo)

 

a. Panitikang Bayan (Folk Literature) – mga awiting Kapampangan, kasebyan     (kawikaan), atbp.

b. Mga Tula – (hal., mga crissotan at tula ni Crisostomo Soto, Jose Gallardo, Amado Yuzon, atbp.)

                c. Maikling Kwento – (hal., mga kwento ni Soto, Querubin Fernandez, atbp.)

                d. Nobela – (hal., Buwak ng Ester)

f.         Mga Dula at Sarzuela – (hal., Alang Dios atbp.)

 

Mga gawain: pagkakaroon ng sesyon sa: a. pakikinig ng mga awiting bayan, b. pagbasa ng mga tula, c. panonood ng mga excerpts ng sarzuelang Alang Dios

 

IV.                Mga Natatanging Kaalaman ng mga Kapampangan  (3 linggo)

a.        Pagluluto

b.       Paggawa ng Parol

c.        Arkitekturang Relihiyoso (mga simbahan) at mga Bahay na Bato

d.       Mga Iba’t-Iba Pang Uri ng Gawaing Makasining: Woodcarving ng Betis, Paggawa ng Kalesa, Paggawa ng Palayok sa Sto. Tomas, atbp.

 

Mga gawain: mga lektyur, pag-imbita ng mga resource persons na eksperto sa mga ispesipikong mga sining na nabanggit.

 

V.                  Mga Pangkasalukuyang Isyu Patungkol sa Kultura, Wika, at iba pa  (2 linggo)

a.        Pagkawala ng kultura at wika

b.       Mga pagbabago sa ortograpiya ng wika

c.        Pagiging marginalized ng kulturang Kapampangan (lalo na ng panitikan)

d.       Mga environmental isyu ( hal. epekto ng lahar sa heograpiya ng Pampanga, etc.)

 

Course Requirements:

 

2 mahahabang pagsusulit            

1 term paper base sa mga paksang pinag-aaralan

Pista ng mga Sining (Festival of Arts)- isang linggong  pangwakas na gawain

 

Mga References:

 

1.        Castro-Icban, Rosalina.  Literature of the Pampangos. Manila: University of the East Press, 1981.

2.        Dizon, Lino. A Survey of Kapampangan Folklore. Tarlac: Tarlac State University, 1993.

3.        Lacson, Evangelina. Kapampangan Writing: A Selected Compendium and Critique. Manila: National Historical Institute, 1984.

4.        Lacson, Evangelina and Julieta Mallari. A Story of the Kapampangans (to be published)

5.        Larkin, John. The Pampangans. Berkley, Los Angeles, London: University of California Press, 1972.

6.        Manlapaz-Zapanta, Edna. Kapampangan Literature: A Historical Survey and Anthology. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1981.

7.        Tayag, Renato. Recollections and Digressions. Manila: The Philippine National Bank, 1985.

Vidal, Lourdes and Ma. Cristina Nelmida. Maikling Kuwentong Kapampangan at Pangasinan. Quezon City: Ateneo