DEPARTAMENTO NG FILIPINO AT PANITIKAN NG PILIPINAS

Kolehiyo ng Arte at Literatura

Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon

 

Course Outline para sa Araling Pilipino 12

Bilang at Titulo ng Kurso: Araling Pilipino 12* (AH): Suroy-Suroy sa Wika, Panitikan at Kultura sa mga Isla ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Deskripsiyon ng Kurso: Mga panimulang pag-aaral sa mga wika, panitikan at kultura

sa Pilipinas at ang kaugnayan at ambag nito sa kalinangang

pambansa sa kapuluan.

Pre-requisite: Wala

Kredit: 3 yunit

*Maaring isama sa mapagpipilian ng mga mag-aaral para sa 6 yunits ng required

courses na Philippine Studies

Layunin ng kurso:

  1. Masuri ang pinagmulan, sangkap at pag-unlad ng mga wika, panitikan at kultura mula sa mga rehiyon ng Pilipinas;
  2. Matukoy ang pagkakatulad ng mga sangkap ng mga wika, panitikan at kultura mula sa mga rehiyon bilang ambag sa kalinangang pambansa;
  3. Maiugnay ang kakanyahan ng mga wika, panitikan at kultura ng mga rehiyon sa pagbuo ng kalinangang pambansa;
  4. Makapaglunsad ng mga ritwal at praktis pangwika, pampanitikan at pangkultura sa loob ng kampus at fieldwork o practicum naman sa rehiyon; at
  5. Maipahayag ang tinig at kakanyahang etno-lingguwistiko sa pamamagitan ng base rehiyonal sa bawat klase (hal., puro mga Ilokanong mag-aaral).

Tala: Mayroong tutukuying tiyak na erya (hal., eryang Kapampangan) kaakibat ng ilan pang mga

erya (hal., eryang Iloko, Bikol, Hiligaynon at Sebuwano) na tatalakayin kada semestre.

Makikipagnetwork sa mga pangkampus na samahang rehiyonal at gayondin sa mga

pangkulturang samahan sa rehiyon.

Rationale:

Makatutulong makatugon ito sa mandate ng Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas na ang wika, panitikan at kultura mula sa mga rehiyon ay bibigyan ng masusing atensiyon at karampatang halaga ng estado. Ayon sa Artikulo 14, Seksiyon 6, "Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas [diin namin] at sa iba pang mga wika." Karugtong nito’y ang Artikulo 14, Seksiyon 14 ng Konstitusyon, na nagpapahayag na "Kakalingain, payayabungin at itatanyag ng Estado ang kayamanang historikal at kultural ng bansa [diin namin], gayundin ang mga likhang sining [diin namin]".

Nirerekomendang Mga Paksa at Babasahin:

Yunit I. Depinisyon, Pinagmulan, Sangkap at Pag-unlad

Modyul 1. Mga Wika at Wikain ng mga Rehiyon

Kapampangan, Hiligaynon, Sebuwano, Bikol,

Pangasinense, Iloko, Samarnon-Leyteno

Mga Teksto tulad ng mga Artikulo’t Libro; Gawain; at Pagsubok

Pinoy Forever: Essays on Culture and Language

"Philippine Studies: The Noli Me Tangere Viewpoint"

 

 

Modyul 2. Mga Panitikan ng mga Rehiyon

Kapampangan, Hiligaynon, Sebuwano, Bikol,

Pangasinense, Iloko, Samarnon-Leyteno

Mga Teksto tulad ng mga Artikulo’t Libro; Gawain; at Pagsubok

Filipinos Writing: Philippine Literature from the Regions

Modyul 3. Mga Kultura ng mga Rehiyon

Kapampangan, Hiligaynon, Sebuwano, Bikol,

Pangasinense, Iloko, Samarnon-Leyteno

Mga Teksto tulad ng mga Artikulo’t Libro; Gawain; at Pagsubok

Pinoy na Pinoy! Essays on National Culture

Yunit II. Pagkakatulad at Kakanyahan

Modyul 4. Mga Wika at Wikain ng mga Rehiyon

Kapampangan, Hiligaynon, Sebuwano, Bikol,

Pangasinense, Iloko, Samarnon-Leyteno

Mga Teksto tulad ng mga Artikulo’t Libro; Gawain; at Pagsubok

Case Study ng mga cognate tulad ng bayan, bansa, kalayaan, kasaysayan; mga accent; at

mga biro mula pook at rehiyon tungong bansa

Pinoy Forever: Essays on Culture and Language

Modyul 5. Mga Panitikan ng mga Rehiyon

Kapampangan, Hiligaynon, Sebuwano, Bikol,

Pangasinense, Iloko, Samarnon-Leyteno

Mga Teksto tulad ng mga Artikulo’t Libro; Gawain; at Pagsubok

Case study ng mga akda gaya ng pagkaing pakbet, sinigang at pansit; at mga tula at awit

mula pook at rehiyon tungong bansa

Filipinos Writing: Philippine Literature from the Regions

Modyul 6. Mga Kultura ng mga Rehiyon

Kapampangan, Hiligaynon, Sebuwano, Bikol,

Pangasinense, Iloko, Samarnon-Leyteno

Mga Teksto tulad ng mga Artikulo’t Libro; Gawain; at Pagsubok

Case Study ng pagdiriwang, espasyo at panahon mula pook at rehiyon tungong bansa

Pinoy na Pinoy! Essays on National Culture

Yunit III. Kaisahan at Kaugnayan ng Wika, Panitikan at Kultura

Modyul 7. Ang Kapuluan sa Mga Wika at Wikain, Panitikan at Kultura

at Mga Wika at Wikain, Panitikan at Kultura ng Kapuluan

Kapampangan, Hiligaynon, Sebuwano, Bikol,

Pangasinense, Iloko, Samarnon-Leyteno

Mga Teksto tulad ng mga Artikulo’t Libro; Gawain; at Pagsubok

Paglalagom ng Multi-lingguwal, Multi-Etnik at Multi-Kultural na Katangian ng Pilipinas

Pinoy Forever: Essays on Culture and Language

Pinoy na Pinoy: Essays on National Culture

Filipinos Writing: Philippine Literature from the Regions

Tula’t Awit sa mga Wikang Filipino

The Ethnic Dimension: Papers on Philippine Culture, History and Psychology

Modyul 8. Praktis at Ritwal

Demonstrasyon ng mga praktisyuner at/o mag-aaral kaugnay sa cognate, accent, biro;

pagkain, tula, awit; at pagdiriwang, espasyo, panahon mula pook at rehiyon tungong bansa

 

TALA: Maliban sa paglalahad at pangangatwiran kaugnay sa depinisyon, pinagmulan, sangkap at pag-unlad; ididiin ng pagkakatulad at kakanyahan ang proseso mula pook at rehiyon tungong bansa. Inaasahan mas mapagtatagni-tagni ng kaisahan at kaugnayan ng wika, panitikan at kultura ang kaugnayan ng isa’t isa sa pook, rehiyon at bansa. Panimula pa lamang ang listahan ng mga nabanggit na paksa. Gayunpaman, inaasahang ang talakay rito lalo na mula pagkakatulad at kakanyahan tungo sa kaisahan at kaugnayan ay magiging kasiya-siya para sa kaguruan at kamag-aral.

(mula sa draft ni Prop. Melecio C. Fabros III, Dr. Nilo S. Ocampo)