DEPARTAMENTO NG FILIPINO AT PANITIKAN NG PILIPINAS

Kolehiyo ng Arte at Literatura

Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon

 

Course Outline para sa Filipino 25: Mga Ideya at Estilo

 

Bilang at Titulo ng Kurso: Filipino 25 (AH): Mga Ideya at Estilo.

Deskripsiyon ng Kurso: Mapanuring pag-aaral ng mga ideya at estilo sa mga piling sanaysay sa agham at sining mula sa Pilipinas at iba pang bansa.

Prerequisite: Wala

Kredit: 3 yunit

 

Pangkalahatang Layunin:

Matulungan ang mga ma-aaral na bumuo at bumalangkas ng mga ideya sa pinakamabisang paraan at sinupin ang kanilang estilo sa pagsusulat sa wikang Filipino.

 

Mga Partikular na Layunin:

1. Alamin ang kalikasan ng mga idea at ng wika, ang pinagmulan, mga paraan ng pormulasyon at pagpapalaganap.

2. Alamin ang pagkakaugnay ng mga ideya at ng wika: ang wika bilang lagusan/daluyan ng mga idea; ang kalikasan ng wikang Filipino bilang intrumento at daluyan ng mga ideya.

3. Ipokus ang pag-aaral sa sanaysay. Alamin ang mga katangian ng sanaysay bilang anyo/genre at sinupin ang mga estilo/estratehiya sa paggawa nito.

4. Tumutulong sa pangkalahatan sa paghahawi ng landas tungo sa paggamit ng wikang Filipino bilang katangi-tanging instrumentong ng diskursong intelekwal sa loob at labas ng akademiya.

 

Yunit 1 Ang Mga Ideya

Aralin 1

Ano ang ideya? Ilang batayabg konsepto tungkol sa ideya bilang kaisipan, konsepto, pilosopiya, pananalig, paninindigan, paniniwala, ideolohiya.

Aralin 2

Saan nagmumula ang mga ideya? Perseptuwal na karanasan (nakikita, naririnig, nalalasahan, naamoy, nadarama, nahahaplos, atbp.) Di tuwirang karanasan (pagbabasa, panonood, panggagaya, pag-arte, atbp.)

Aralin 3

Ang ideya at ang mga wika o ang wika at ang ideya. Ang ideya at ideolohiya. Pagtalakay sa mga likas na katangian ng wikang Filipino bilang instrumento at lagusan ng mga ideya.

Aralin 4

Ang pormulasyon ng mga ideya. Iba’t ibang hugis/anyo ng ideya: (1) ang datos at estadistika, (2) ang impormasyon at balita, (3) ang opinyon at pananalig/kontradiksyon o argumento.

Yunit II - Ang Malayang Talakayan

Sa yunit na ito itutuon sa mga babasahin na kasama sa textbuk nang may partikular na pagsusuri sa kung paano nagiging epektibo ang pormulasyon ng mga ideya at kung paano nagiging mas epektibo sa bisa ng mahusay na paglalatag at organisasyon at ng epektibong pagpapahayag na oral o panulat.

Bilang mekanismo ng pagpapatupad, maaaring hatiin sa mga grupo ang klase, pumili ng isang natatanging paksa na hangga’t maaari ay kontemporari, gumawa ng isang balangkas ng pagtatalakay at mag-ulat sa klase. Lilikumin ang piling sanaysay at ang mga katanungan tungkol dito.

 

Yunit III - Ang Estilo

Aralin 1

Ang kalikasan ng estilo. Ang estilo bilang manipestasyon ng pagkatao. Ang pagkakaugnay ng ugali at estilo, ng panlasa at estilo.

Aralin 2

Ang estilo sa diskurso. Pokus sa sanaysay. Ang kasaysayan ng sanaysay bilang isang anyong pampanitikan. Mga kategorya ng sanaysay, i.e. pormal/di-pormal.

Aralin 3

Ang mga tradisyunal na anyo ng sanaysay

a. paglalarawan/deskripsyon

    1. pagsasalaysay/naratibo
    2. paglalahad/eksposisyon
    3. pangangatwiran/argumentasyon

Aralin 4

Ang makabago/modernong anyo ng sanaysay

a. ulat ng pagsisiyasat/investigative

    1. panayam/interbyu

c. estilong dyornal

d. ulat paglalakbay/travelogue

e. talambuhay/bayograpi/awtobayograpi

f. ulat teknikal/akademikong, papel

g. panunuri/kritika

h. photo essay

 

Yunit IV - Integrasyon

(mula sa drafts ni Dr. Glecy C. Atienza at kasamahan)