UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT PILOSOPIYA

Departamento ng Linggwistiks

Diliman, Lungsod Quezon

 

  1. Institution of a GE Course
  2. Course Number: Lingg 1 (SSP)

    Course Title: Ikaw at Wika Mo

    Course Description: Mga pangunahing konsepto tungo sa pag-unawa, paggamit at pagpapahalaga sa wika bilang produkto ng talino ng tao sa kanyang pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan, at higit sa lahat, sa konteksto ng sitwasyong pangwika sa Pilipinas.

    Course Credit: 3ng yunit

    Medium of Instruction: Filipino

    Prerequisite: Wala

    Justification: Sa kursong ito, mabibigyang-halaga ng estudyante ang papel ng wika sa kanyang pagkatao, pakikitungo sa kapwa, at pagka-Filipino.

  3. Objectives
    1. Broaden intellectual and cultural perspectives
    2. Ang wika ang isa sa mga katangian ng ating talino na marahil hindi masyadong nakikita bilang bukal ng kaalaman. Lilinawin dito ang kapangyarihan ng wika hindi lamang bilang paraan ng paghahatid ng mensahe kundi, maari din bilang salamin ng kalooban. Ang kursong ito ay dinisenyo upang makatulong sa mga estudyante na palawakin ang kanilang mga pananaw tungkol sa wika batay sa kani-kanilang mga pang-araw-araw na karanasan sa paggamit nito. Ang pagpapalawak at ang pagiging mulat sa paggamit ng wika ay makakatulong sa paghimay, pagharap at pagtugon sa hamon ng kanilang paligid.

       

       

       

       

    3. Nationalism balanced with Internationalism
    4. Sa pagtalakay ng katangiang unibersal ng wika, maitatatag ang katayuan ng mga wika sa Pilipinas kapantay ng mga wika sa labas ng bansa. Ang mga wika sa Pilipinas, ang mga elemento nito at ang karanasan ng mga estudyante sa gamit ng mga wikang ito, ang pangunahing batayan ng talakayan sa klase. Inaasahang sa prosesong ito, higit na mabibigyan nila ng halaga ang sarili nilang wika, ang wikang pambansa, at makikita rin nila ang kahalagahan ng mga wika natin sa Pilipinas.

    5. Awareness of various disciplines

    Sa lahat ng disiplina, wika ang pangunahing kasangkapan sa pagpapadaloy ng mga kaisipan. Kaya, kasangkot ang wika sa anumang diskurso. Ang pagpapalawak sa gamit ng wika ay lubos na makakatulong sa pagiging maingat, tiyak at malinaw sa pagpapahayag at sa pagiging mabusisi sa pagproseso ng mga impormasyon. Ihaharap din sa mga estudyante ang iba’t ibang larangan sa Linggwistiks na mahalaga sa pag-aaral ng wika at lipunan tulad ng Sosyolinggwistiks, wika at kultura tulad ng Etnolinggwistiks, wika at kaisipan tulad ng Saykolinggwistiks, at iba pa.

  4. Methods of Inquiry
  5. Ang lahat ng mga katangian ng wikang tatalakayin ay ibabatay sa mga karanasan ng mga estudyante. Sila ang magsisilbing mga impormant sa daloy ng kurso. Mga kwalitatibo at interpretatibong pamamaraan sa pagsusuri ng wika ang gagamitin sa pagproseso ng mga datos na ibibigay nila.

  6. Competencies
    1. Communication
    2. Dahil ang komunikasyon, berbal at di-berbal, ang susuriin sa kursong ito, magkakaroon ng kamalayan ang mga estudyante kung papano nabubuo ang mga elemento ng wika at kung ano ang mga proseso nito (pagbuo ng salita at sentens, mga kahulugang idyomatik) kaya mabibigyan ng kahalagahan ang maingat na paggamit ng wika.

    3. Independent and Critical Thinking

    Dahil ang wika ay hindi lamang paraan ng paghatid ng mensahe kundi isang paraan para masulyapan ang kalooban ng tao, hindi maihihiwalay sa kursong ito ang pagiging tiyak at analitikal sa pagdiskubre ng kapangyarihan ng wika.

  7. Number of sections to be offered
  8. Magbubukas muna ng 2ng seksyong bubuuin ng 20-25ng estudyante bawat seksyon. Sisimulan ang kursong ito sa darating na unang semester ng Akademikong Taon 2003-2004.

  9. Availability of resources

Ang mga magtuturo ng kursong ito ay bubuuin ng mga fakulti na may malawak na karanasan at kaalaman sa wika, tulad nina Prop. C.J. Paz, Ph.D., Prop J. Malicsi, Ph.D., Prop. V.V. Hernandez, Ph.D., Prop. E. Cruz, at Prop. I.U. Peneyra.

Para mas interesante at makabuluhan ang kurso, gagamitin ang iba’t ibang audio at videong kagamitan ng departamento. Matagal nang may multi-media room ang departamento.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT PILOSOPIYA

Departamento ng Linggwistiks

Diliman, Lungsod Quezon

Bilang ng Kurso: Lingg 1 (SSP)

Pamagat ng Kurso: Ikaw at Wika Mo

Diskripsyon ng Kurso: Mga pangunahing konsepto tungo sa pag-unawa, paggamit at pagpapahalaga sa wika bilang produkto ng talino ng tao sa kanyang pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan, at higit sa lahat, sa konteksto ng sitwasyong pangwika sa Pilipinas.

Kredit: 3ng yunit

Midyum ng Pagtuturo: Filipino

Prerekwisit: Wala

Jastipikasyon: Sa kursong ito, mabibigyang-halaga ng estudyante ang

papel ng wika sa kanyang pagkatao, pakikitungo sa kapwa, at pagka-Filipino.

Layunin ng Kurso: Inaasahang magkakaroon ang estudyante ng:

  1. Malinaw at malawak na kaalaman tungkol sa pinagmulan, katangian at pagiging mabisa ng wika sa pang-araw-araw na paggamit nito;
  2. Pag-unawa at pagpapahalaga sa wika bilang produkto ng talino ng tao ayon sa konteksto ng sitwasyong pangwika sa Pilipinas;
  3. Mataas na pagpapahalaga sa katayuan ng mga wika sa Pilipinas kapantay ng ibang wika sa labas ng bansa; at
  4. Kakayahang maiugnay sa iba pang disiplina ang pag-aaral sa wika.

Balangkas ng Kurso (32ng miting):

  1. Yaman mo ang wika mo (5ng miting)
    1. Kahalagahan ng wika
    2. Kakayahan at katatasan sa wika
    3. Papel ng wika sa araw araw na pamumuhay
  1. Ha? Pakiulit nga! (4 na miting)
    1. Bakit mo siya naiintindihan?
    2. Ano nga iyon?
    3. Mga kagawian sa wika

 

Rebyu (1ng miting)

Unang Eksam (1ng miting)

  1. Pagbabago at pabagu-bago (5ng miting)
    1. Dahilan ng pagbabago
    2. Kasaysayan ng pagbabago
    3. Para silang ibon! Mga varayti ng wika
  1. Magalang siya!(4 na miting)
    1. Sino ang kausap?
    2. Magsalita ka at makikilala kung sino ka
    3. Wika at Kapangyarihan

Rebyu (1ng miting)

Ikalawang Eksam (1ng miting)

  1. Kung ano ang bukambibig, siyang laman ng dibdib (4 na miting)
    1. Pagbubuklud-buklod/paggugrupo-grupo ng mga salita
    2. Mabulaklak na wika
    3. Sikretong wika
    4. Mga nabubulol
  1. Wikang di-sinasalita (4 na miting)
    1. Simbolo at Senyas
    2. Kilos at espasyo
    3. Pagsulat

Rebyu (1ng miting)

Ikatlong Eksam (1ng miting)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Mga Referens:

Abaya, Eufracio & Jesus Federico Hernandez. 1998. Salitang bakla: Makapangyarihan?

Mapagpalaya? The Archive 14:69-81.

Bautista, Ma. Lourdes S. 1998. The structure of Tagalog-English code-switching. The

Archive 14:157-65.

__________, Teodoro A. Llamzon, & Bonifacio P. Sibayan, eds. 2000. Parangal cang

Brother Andrew. Manila: Linguistics Society of the Philippines.

Clark, Virginia P., Paul Eschholz & Alfred F. Rosa, mga eds. 1985. Language.

Introductory Readings. Ika-4 na ed. NY: St. Martin’s Press.

Coates, Richard. 1999. Word Structure. Language Workbooks. London: Routledge.

Constantino, Ernesto. 1965. The Sentence Patterns of the 26 Philippine Languages.

Lingua 15: 17-124.

_________________. 1994a. Ang sintaks at semantics ng mga berbal na salitang-ugat

sa wikang Filipino. The Archive 10:31-51.

_________________. 1994b. Ang pananda ng sabjek, predikeyt at pokus sa Isinay.

The Archive 10-52-56.

________________. 1998. Ang pagpapalaya ng linggwistiks at wikang pambansa ng Pilipinas. The Archive 14:235-39.

_________________. 2000. Current Topics in Philippine Linguistics. Parangal cang

Brother Andrew. Mga ed. Ma. L. Bautista, T.A. Llamzon & B.P. Sibayan. Manila:

Linguistic Society of the Philippines.

Cruz, Emilita L. 1975. A Subcategorization of Tagalog Verbs. The Archive. Special

Monograph Issue No. 2. QC: University of the Philippines, Diliman, Q.C

Fabb, Nigel. 1994. Sentence Structure. Language Workbooks: London: Routledge.

Farmer, Ann K. and Richard A. Demers. 2001. A Linguistics Workbook. Ika-4 na ed.

Massachusetts: The MIT Press.

Fromkin, Victoria at Robert Rodman. 1998. An Introduction to Language. Ika-6 na ed.

_________. Harcourt Brace College Publishers.

Hernandez, Viveca V. 1994a. Ang development ng midyal na konsonant-klaster sa mga

wikang Filipino. The Archive 10:57-80.

__________________. 1994b. Komparatibong pag-aaral ng pluralayser ng nawn-preys

sa Tagalog, Sebuano, Bikol at Ilukano. The Archive 10:81-93.

_________________. 2000a. Conversation[al] analysis: An application in the

Philippines setting. Journal of English Studies and Comparative Literature 6

(1):62-83.

_________________. 2000b. Sabkategorisasyon ng mga Verb sa Ilokano. Quezon

City: CSSP Publications, UP Diliman.

________________. (Nasa imprenta). Conversation analysis in a multilingual setting.

[Binasa sa SEALS XI Conference, Institute of Language and Culture for Rural Development, Mahidol Unviersity sa Royal river Hotel, Bangkok, Thailand .16-18 Mayo 2001.]

Language Files. Materials for an introduction to Language and Linguistics, Ika-8ng ed.

Colombus: The Ohio State University Press.

McFarland, Curtis. 1983. A Linguistic Atlas of the Philippines. Ika-2ng printing. Manila:

De la Salle University & Linguistic society of the Philippines.

Muñoz-De Leon, Cindy. 1998. Ang broadcast media at ang wika. The Archive 14:41-

47.

O’Grady, William, et., al. 2001. Contemporary Linguistics: An introduction. Ika-4 na ed.

Boston & New York: Bedford/St. Martin’s.

Paz, Consuelo J. 1994a. The morphology and syntax of Tagalog nouns and adjectives.

The Archive _________.

_____________. 1994b. Isang preliminaryong pag-aaral ng Tagalog sa Rizal. The

Archive 10:1-18.

_____________. 1994c. Ay hao: ang dayalek ng Tagalog sa Rizal. The Archive 10:19-

30.

_____________. 1995. Wikang Filipino, Atin ito. Quezon City: Sentro ng Wikang

Filipino. UP Diliman.

_____________. 1998. Pagsilang ng wika: Kaso ng Filipino. The Archive 14:7-15.

 

_____________, Viveca Hernandez at Irma Peneyra. (Nasa imprenta). Ang Pag-aaral ng Wika. Quezon City: University of the Philippines Press.

Quindoza-Santiago, Lilia. 1998. Wika, kasarian at sekswalidad. The Archive 14:215-20.

Robins, R.H. 1998. A Short History of Linguistics. Ika-4 na ed. New York: Longman

Limited.

Trask, R.L. at Bill Mayblin. 2000. Introducing Linguistics. Cambridge: Totem Books/Icon

Books, Ltd.

Widdowson, HG. 1996. Linguistics. Oxford introductions to Language Study. Oxford:

Oxford University Press.

Yule, George. 2000. The Study of Language. Ika-2ng ed. Cambridge: Cambridge

University Press.