Articles
KATUGUNAN sa bukas na liham ukol sa Manininda
Noong ika-17 ng Hunyo, 2005, ganap na ika-8 ng umaga, ang USC na kinatawan ni Marco Dominic delos Reyes, ang UP Manininda na kinatawan ni Narry F. Hernandez at Edna Sinoy, si VCA Delia Tomacruz at ako ay nag-pulong tungkol sa paglilipat ng 16 na manininda mula sa gitna ng academic oval.
Naghiwalay kami na malinaw ang usapan na ihahain sa general assembly ng UP Manininda ang posibilidad na sila ay lumahok sa bidding para sa mga kiosk kung sila ay magsasama-sama sa pangangapital sa dahilang ang bagong polisiya sa mga konsesyonaryo na bagsak renta at kapital ay magbibigay pagkakataon sa kanilang makayanan na lumahok sa bidding.
Malinaw rin naman ang aming napag-usapan na kung hindi lalahok sa bidding ay pumapayag ang 16 na lumipat sa ibang lugar at magkakaroon lamang ng timetable sa paglilipat.
Hindi na matuwid na buksan muli ang usapin na pinagkasunduan na ng mga kinauukulan.
May-pitagang pina-uubaya sa komunidad para sa kanilang pagsusuri.
11 July 2005
IDA MAY J. LA ‘O
Bise-Tsanselor
Binigyan sipi: Tsanselor, Bise-Tsanselor, Lahat ng Dekano, Direktor at Pinuno ng mga Yunit, USC, UP Manininda
Back to Articles Main