Palatuntunan


I

Prosesyunal

UP ROTC Symphonic Band
Sa pagkumpas ni Prop. Leopoldo B. López

Marshal ng Unibersidad
Mga summa cum laude
Mga Magsisipagtapos
Kaguruan ng Unibersidad
Mga Direktor ng mga Yunit
Mga Dekano
Mga Panauhin
Mga Opisyal ng Administrasyon
Lupon ng mga Rehente
Setro ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman
Chanselor ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman
Setro ng Unibersidad
Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas
Tagapangulo ng Lupon ng mga Rehente
Panauhing Pandangal

II

Pagpasok ng Bandila ng Republika ng Pilipinas at ng Unibersidad

III

Pambansang Awit

UP ROTC Symphonic Band
Sa pagkumpas ni Prop. Leopoldo B. López

IV

Pambungad na Pananalita

Dr. Sergio S. Cao
Chanselor, Unibersidad ng Pilipinas Diliman

V

Pagpapakilala sa Panauhing Pandangal

Prop. Salvador T. Carlota
Dekano, Kolehiyo ng Batas

VI

Talumpati ng Panauhing Pandangal

Justice Abraham F. Sarmiento
Rehente, Unibersidad ng Pilipinas

VII

Paghaharap ng mga Dekano sa Magsisipagtapos

VIII

Paggawad ng mga Titulo sa Magsisipagtapos

Dr. Emerlinda R. Román
Pangulo, Unibersidad ng Pilipinas

IX

Natatanging Bilang Musikal

Dugong Pilipino ni Jonathan G. Badon
UP Madrigal Singers
Sa pagkumpas ni Prop. Mark Carpio

X

Pagpapakilala sa mga Nagsipagtapos ng Doktorado

XI

Mensahe ng Kinatawan ng mga Nagsipagtapos

Bb. Gabriela M. Francisco
BM Voice 2008, summa cum laude

XII

Panunumpa ng Katapatan sa Unibersidad

“Tapat akong sumusumpa, bilang isang nakapagtapos sa
Unibersidad ng Pilipinas, na sisikapin kong maging karapat-dapat
sa karangalan at pamantayan ng kahusayan ng aking Unibersidad;
na isasaloob ang mga bagay na mag-aangat sa aking kaisipan at pagkatao;
at mamamalaging nasa panig ng batas, kalayaan at katarungan
alang-alang lahat sa paglilingkod sa bayan.”

XIII

Pagtanggap sa UP Alumni Association ng mga Nagsipagtapos

“Taos puso akong nanunumpa na isasakatuparan ko nang buong husay
at katapatan at walang pag-iimbot ang mga tungkuling nakaatang sa akin
bilang kasapi ng Samahan ng mga Nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas;
ipagtatanggol ko at ipaglalaban ang kapakanan ng Unibersidad na aking pinagtapusan,
ang Unibersidad ng Pilipinas; at ipapangako kong
magiging matapat na nagtapos sa Unibersidad na ito sa lahat ng pagkakataon.
Kaya tulungan nawa ako ng Diyos.”

XIV

UP Naming Mahal

UP Madrigal Singers
Sa pagkumpas ni Prop. Mark Carpio

XV

Paglabas ng mga Bandila

XVI

Resesyunal

UP ROTC Symphonic Band
Sa pagkumpas ni Prop. Leopoldo B. López

(Ang mga nagsipagtapos at mga manonood ay hinihiling
na manatiling nakatayo hanggang matapos ang resesyunal.)



Back to main page

Dr. Ma. Crisanta N. Flores
Tagapagpadaloy ng Palatuntunan