|
Mga Alituntunin sa Pagtatayo ng Booth I. Panuntunan para sa pagtatayo at pagbibihis ng mga booth
Ang Pistang Pamasko sa Oval ay gaganapin mula ika-3 hanggang ika-23 ng Disyembre sa academic oval, maghapon hanggang ika-9 ng gabi. Sa gabi ng Parada ng mga Parol, Disyembre 19, maaaring manatiling bukas ang mga booth hanggang ika-10 ng gabi. Ito ay eksibit ng mga publikasyon, likhang-sining, imbensiyon, interactive na presentasyon at iba pang maipagmamalaki ng mga akademikong yunit at mga mag-aaral. Para mas masaya, isasali ang bazaar o tiyangge ng mga meryenda, panregalo atbp.
Ang mga akademikong yunit, kinikilalang organisasyong pang-mag-aaral at unyon ng mga kawani ang mga pangunahing eksibitor. Maaaring ipagbili ang mga publikasyon, likhang-sining at mga produkto ng mga kolehiyo o organisasyon. Maaaring sumali ang mga pribadong konsesyoner ng pagkain at mga panregalong gaya ng dry goods upang lalong maging masaya ang pista. Pamamahalaan ito ng Business Concessions Office (BCO). Basahin sa ibaba ang mga alituntunin ukol ditio.
Pumunta sa opisina ng BCO upang punan ang ilang form. Bago magawaran ng booth, kailangan ang mga sumusunod: Akreditasyon mula sa BCO, na ibibigay pagkatapos punan ang mga forms para dito at, maliban sa mga kolehiyo, pagkatapos bayaran ang upa sa booth nang hindi lalampas sa ika-3 ng Disyembre 2006. Kung nais ng kolehiyo ng higit sa isang booth, may bayad na ang ikalawa at ikatlong booth. (Tingnan ang detalye sa ibaba.) Kailangan ding magsumite ng logo ng yunit, na may lapad na hindi hihigit sa 2 X 2 talampakan, anumang hugis, na magsisilbing karatula ng booth. Lahat ng nais sumali na mga organisasyong pang-mag-aaral ay dapat munang humingi ng sertipikasyon mula sa Office of Student Activities (OSA) na sila ay kinikilalang organisasyon sa taong ito. Kung mga organisasyong pang-mag-aaral na naka-base sa mga kolehiyo, ipakita sa OSA ang sertipiko ng pagkilala ng kolehiyo. Matapos makuha ang mga sertipikong nabanggit, maaari nang pumunta sa BCO. Kung magsasanib ang dalawa hanggang apat na organisasyong pang-mag-aaral sa isang booth, isang aplikasyon lamang ang pupunan, ngunit kailangang ang bawat kasanib ay magsumite ng mga sertipikong hinihingi. Pagsama-samahin ang lahat ng mga sertipiko. Hindi maaaring i-sub-lease ang mga booth. Ang University Student Council ay maaaring dumeretso na sa BCO, pero ang mga college student councils ay kailangan ng sertipiko ng Kalihim ng Kolehiyo.
Upang mapagbigyan ang kahilingan ng mga nais sumali, papayagang pumili ang mga kalahok ng lugar ng kanilang booth. Mas maagang magpapatala, mas makakapili. May sukat na 12 X 12 talampakan ang bawat tent na siyang magsisilbing booth, na may taas na walong (8) talampakan, at may bubong na yari sa canvas. Maaaring umupa ng isa hanggang tatlong booth. Kung uupa ng dalawa o tatlong booth, itatayo ang mga ito nang magkakatabi. Hindi maaaring magdala ng sariling tent; ang opisyal na tent lamang ang maaaring gamitin at upahan, na uupahan rin ng administrasyon sa isang supplier. Ngunit kanya-kanyang dala ang mga eksibitor ng mesa, upuan, panel board atbp. Tanging eksepsiyon: Mga komersiyal na konsesyoner ng pagkain, na maaaring magdagdag ng sariling booth na kakikilanlan sa kanila, sa tabi ng booth na uupahan sa administrasyon, pero may dagdag na singil batay sa sukat ng okupadong espasyo ng karagdagang booth. Hindi maaaring sakupin ng eksibitor ang espasyo sa labas ng kanyang booth. Subalit ang parol na kasali sa paligsahan ay maaaring ilagay sa layong hindi hihigit sa isang metro mula sa harap o tagiliran ng booth. (Basahin ang Alituntunin para sa Paligsahan ng mga Parol.) Para sa maayos, ligtas at masayang Pistang Pamasko sa Oval, magiging one-
Ngunit kung nais ng kolehiyo ng ikalawa at ikatlong booth, may kaunting
Kung nanaisin, maaaring magsanib ang mga organisasyong pang-mag-aaral nang hindi lalampas sa apat na organisasyon bawat booth upang mapaghatian ng mga sasali ang halaga ng upa. Tingnan sa itaas ang proseso ng pagsali. Hindi maaaring i-sub-lease ang mga booth.
1. Konsesyoner ng pagkain
2. Ibang konsesyoner
Makipag-ugnayan sa BCO kung kailangan ng karagdagang impormasyon.
|