DEPARTAMENTO NG FILIPINO AT PANITIKAN NG PILIPINAS

Kolehiyo ng Arte at Literatura

Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon

 

Course Outline para sa Malikhaing Pagsulat 10

 

Bilang at Titulo ng Kurso: Malikhaing Pagsulat 10* (AH): Ang Hiwaga at Hikayat ng Panulat sa Filipino.

Deskripsiyon ng Kurso: Malikhaing pagbasa at masining na pagsulat ng mga natatanging anyong

pampanitikan, kasama ang mga makabagong anyong teknolohikal.

Prerequisite: Wala

Kredit: 3 yunit

*Maaring isama sa mapagpipilian ng mga mag-aaral para sa 6 yunits ng required

courses na Philippine Studies

BALANGKAS NG KURSO

Linggo Paksa Babasahin/Gawain

1-2 Introduksiyon Pagkilala sa mga mag-aaral

Pagsubok na mga gawain upang

alamin ang antas ng kakayahang

bumasa at sumulat

3-4 Lektyur/Malayang Talakayan

Kasaysayan at katangian ng wikang Filipino Mga akda nina: Lope K. Santos,

Ang wika, ang sining, at ang panitikan Bienvenido Lumbera, Virgilio S.

Ang wikang Filipino bilang wika sa daigdig ng panitikan Almario, atbp. tungkol sa wika at

panitikan

5-8 Malikhaing Pagbasa ng Mga Akda Mga ehersisyo

a) pamuling pagbasa

Mga piling akdang pampanitikan ng iba’t ibang awtor b) pagtuklas ng mga tayutay at

sa iba’t ibang panahon talinghaga

c) pagtuklas sa "galing" ng akda

(Malaya ang guro na pumili ng sariling seleksiyon ng mga akda rito para sa malikhaing pagbasa. Ito ay isa lamang mungkahing seleksiyon. Dito, pinipili ang ilang mga "kanonisado" nang akda para sa halimbawa ng malikhaing pagbasa at sinusuri ang mga naging pagbasa rito upang magluwal ng mga natatanging iba pang akda at porma ng panitikan. Dahil pamilyar na rin ang mga mag-aaral sa akda, maari rin silang makalikha ng mga bagong texto o bagong anyong pampanitikan. Puwede ring ipaubaya sa mga mag-aaral ang pamimili ng mga akda rito upang sila na mismo ang magpaliwanag sa mga naging "pagbasa" na humantong ng iba pang mga reproduksiyon. Puwede ring mga di-gaanong kilalang likha na itinuturing ng guro na makabuluhan at mayaman sa mga posibilidad ng paglilipat-anyo o pagkalikhang-muli.)

d) paglikha ng mga ibang texto

    1. paglilipat-anyo

A. Sanaysay

Emilio Jacinto, "Ningning at Liwanag"

    1. Kuwento
    2. Rogelio Sicat, "Tata Selo"

    3. Mga Tula
    4. Andres Bonifacio, "Pag-ibig sa Tinubuang Lupa"

      Jose Corazon de Jesus, "Bayan Ko"

      Benigno Ramos, "Panulat"

      Alejandro G. Abadilla, "Ako ang Daigdig"

      Zenaida Arcega Flores, "Makata?"

      Maria S. Ramos, "Tao"

      Amado V. Hernandez, "Lumuha Ka, Aking Bayan"

      Rio Alma, "Pagsusuri XX Siglo"

      Ruth Elynia S. Mabanglo, "Ang Maging Babae"

      Jose F. Lacaba, "Pasyong Mahal ni San Jose"

    5. Dula

Paul Dumol, "Ang Paglilitis Kay Mang Serapio"

    1. Mga Pagtatangka sa Malikhaing Pagsulat

Pagsulat ng personal na sanaysay/talambuhay

Pagsulat ng dagli

Pagsulat ng tula/dula

Pagsulat ng kuwento

Pagsulat ng iskrip para sa maikling kuwentong video

Paglikha ng website pampanitikan, etc.

    1. PALIHAN/PRESENTASYON o PAGTATANGHAL NG MGA AKDANG SINULAT. (Maari rin itong magsilbing final na aktiviti at gamiting instrumento ng ebalwasyon para alamin ang mga kasanayang natamo sa klase.)
  1. Integrasyon ng Kurso

 

Mga Sanggunian at Babasahin:

Abueva, Jose. Ang Filipino sa Siglo 20. Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino, 1990.

Agoncillo, Teodoro A. 25 Pinakamahusay na Maikling Kuwento. Manila, 1945.

Aguila, Reuel, et.al. Kamao: Panitikan ng Protesta, 1970-1986. Manila: CCP, 1987.

Almario, Virgilio S. Walong Dekada ng Makabagong Tulang Pilipino. Manila: PECO, 1981.

______________. Filipino ng Mga Filipino. Manila: Anvil Publishing, 1993.

______________. Taludtod at Talinghaga. Manila: Anvil Publishing, 1991.

Lumbera, Bienvenido. Writing the Nation/Pag-akda ng Bansa. Quezon City: UP Press, 2000.

Santos, Lope K. Mga Katangian ng Tulang Tagalog. Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino, 1999.

Yu, Rosario Torres. Sarilaysay.

 

(mula sa drafts nina Prop. Virgilio Almario,

Dr. Lilia Quindoza Santiago, Prop.. Luna Sicat Cleto,

Prop. Eugene Evasco)