NewsSentenaryo98Home

Araw ng Kalayaan sa UPV

Nakilahok ang UP Visayas sa malawakang pagdiriwang ng Araw ng Pambansang Watawat noong ika-28 ng Mayo sa kampus ng Miag-ao at Lunsod ng Iloilo sa pamamagitan ng isang parada ng mga watawat ng Rebolusyon at ng bandilang Pilipino na nilahukan hindi lamang ng mga kawani, guro at estudyante ng UPV kundi pati na ng mga kintawan ng mga sektor at mga pamayanang malapit sa UP.

Pagkatapos ng parada, inawit ng mga kawani ng UPV, suot ang pambansang kasuotan, ang Lupang Hinirang bilang paggunita sa unang pagkakataon na itinaas ang bandilang Pilipino. Kasunod nito ay ang pagsambit ng Panunumpa sa Watawat.

Sa isang mensahe ay ibinahagi ni Dekano Pepito Fernandez ng Kolehiyo ng Pangisdaan ang kahalagahan ng pagwagayway ni Heneral Emilio Aguinaldo sa ating bandila sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12 isang daang taon na ang nakararaan. Bilang kinatawan naman ni Tsanselor Arsenio Camacho, hinikayat ni Dr. Arnold Naldoza, bise-tsanselor para sa planning at development, na gawing inspirasyon ang mga makabayang awiting Bayan Ko at Ngayon ang Bukas sa kanilang mga gawain. Ang seremonya ay inorganisa ng Kolehiyo ng Pangisdaan.

(ZBAlbao)

Mga Dagdag na Balita

See Also

Schedule of Events
UP Centennial Celebrations Home Page


  Main Themes U.P. Decade Mailing List Feedback

Centennial Logo

Lupon ng Sentenaryo
Copyright © 1998 University of the Philippines
Design by CSSP Computer Lab Web Design Group