NewsSentenaryo98Home

Balitaktakang Pangsentenaryo

Kaugnay ng pagdiriwang ng Sentenaryo, maraming lumalabas na mga kawili-wili at kontrobersiyal na mga isyung dapat talakayin sa isang porum na pampubliko. Isang daluyan ng talakayan ang Internet, sa Sentenaryo Mailing List:

sentenario@kssp.upd.edu.ph

Nakalaan ang mailing list sa pagtalakay sa Himagsikang Pilipino at Digmaang Pilipino-Amerikano at sa kanilang impluwensiyang pulitikal at kultural sa bansa. Bagama't ganito ang, tumatanggap din ng kontribusyon mula sa Cuba, Puerto Rico, Hawaii, Guam, Espanya, at iba, sapagkat ang mga naganap noong 1898 ay itinuturing na may pandaigdig na kahalagahan. Isang porum na multidisiplinaryo, ang mga talakayan ay maaaring pumaksa sa kasaysayan ng mga digmaan o ang naging epekto nila sa pag-unlad ng sining, media, kulturang popular, ugnayang panlahi at etniko, at pulitikang lokal at pandaigdig.

Ang mailing list na ito ay tumatakbo sa server na Majordomo. Ang Majordomo ay isang libreng mailing (e-mail) list server. Kapag ang e-mail ay ipinadala sa isang mailing list, kagyat itong ipinaaalam sa lahat ng e-mail address na nasa listahan. Ang mga mensahe ay maaari lamang matanggap ng mga kasama sa mailing list.

Likha ang mailing list nina Jim Zwick (fjzwick@ican.net) at Peter Sy (psy@ksp.upd.edu.ph) Sa simula,'y walang mamamagitan sa diskusyon, ngunit kapag dumami na ang kalahok, babaguhin ang programa ng mailing list upang maayos ang pagdaloy ng talakayan at balitaktakan. Magpadala ng inyong opinyon, panukala at patutsada tungkol sa mga paksa sa itaas sa e-mail address ng Sentenaryo. Makatitiyak na lahat ay tatanggapin.

(JNCajigal)

Mga Dagdag na Balita

See Also

Schedule of Events
UP Centennial Celebrations Home Page


  Main Themes U.P. Decade Mailing List Feedback

Centennial Logo

Lupon ng Sentenaryo
Copyright © 1998 University of the Philippines
Design by CSSP Computer Lab Web Design Group