![]() ![]() ![]() | ||||||
|
|
Kopya ng Orihinal na Bandila, Alay ng UP sa Bansa"No other flag comes close to best replicating the original -- physically and symbolically -- than this one, inspired only by a genuine love for the country." Ito ang naging paglalarawan ni Emilio Aguinaldo Suntay III, chief operating officer ng General Emilio Aguinaldo Foundation (GEAF) sa replika ng bandila ng kalayaan ng Pilipinas na ipinagkaloob sa GEAF ng UP sa isang pormal na seremonya sa Bahay ng Alumni noong ika-27 ng Mayo. Ayon sa apo ni Aguinaldo, ang bandilang buhat sa Pamantasa'y simbolo ng pagsisikap ng bansang buhayin ang mga dakilang hangaring itinaguyod ng ating mga ninuno. Hinimok din niya ang lahat na magpugay sa bandilang Pilipino at magbigay ng malalim na kahulugan sa ideyal ng nasyunalismo at pagkabansa na isinisimbolo ng bandila sa loob ng sandaang taon. Umaasa si Suntay na sa pamamagitan ng bandila, lagi nating maaalala ang mga ideyal ng katarungan, kalayaan at pagkakapantay-pantay. Sa mensahe ni Pangulong Emil Q. Javier na binasa para sa kanya ni Dr. Olivia C. Caoili (Pangalawang Pangulo para sa Gawaing Pang-akademiko), sinabi niyang ang replikang bandila, na hinabi sa pangangasiwa ng Kolehiyo ng Ekonomikong Pantahanan na pinamumunuan ni Dekana Lydia B. Arribas, ay pagpapatunay sa pagpapahalaga ng UP sa preserbasyon at pagpapaunlad ng kasaysayan, kultura at wikang Filipino. Kongkretong pagpapahayag ang nasabing bandila at ang proyektong Sandaang Taon, Sandaang Akda ng panata ng UP na manguna sa pagpapanday ng isang malakas na bansang may mga mamamayang ipinagmamalaki ang kanilang kulturang pamana. (FBCabangis)
|
|
| |||
|
Lupon ng Sentenaryo |
|
|||||