![]() ![]() ![]() | ||||||
|
|
Sining sa Tag-arawMuling ibinahagi ng mga artista ng Tanay, Rizal ang kanilang sining sa pamamagitan ng isang art exhibit na binuksan sa UP Diliman Jorge B. Vargas Museum noong Abril 28. Tumutugma sa panahon ng tag-araw, ang naturang eksibit ay may temang "Summer Impressions" at tinatampukan ng mga tanawing hango sa likas na ganda at kulay ng bayan ng Tanay. Ilan sa mga paboritong paksa ang ilog, bukid, palayan, punong niyog, mga bulaklak at bungang-kahoy. Ayon kay Roland de los Santos, artista at tagapagsalita ng grupo, ang mga paksang nabanggit ay may likas na pang-akit sa karamihan. Bagama't may pagka-konserbatibo, ang mga ito ay nananatiling kawili-wili sa mga Pilipino. Bukod kay de los Santos, kasama rin sa grupo sina Macoy Solano, Ramon Piguing, Roger Fulgado at Bello Pasa. Itinampok sa eksibit ang mga sumusunod na likha: Carabao Bath, Two Boys Fishing, Flowers and Fruits Series II Summer Morning, at Boy with a Bird ni Santos; Riverside Scene, Watermelon Harvest, Fruitful Tree, A Touch of Yellow, at Maghahampas ni Fulgado; Still Life of Tilapia, Nude Back, Nude Reclining, at The Bath of Maganda ni Solano; Lotus, Different Flowers, Flowers in Bloom, Eastern Star, Flowers with Jar, at Tulips ni Piguing; at Cattleya, Still Life, Sunflowers, Horse, at Silya ni Pasa. Nag-umpisa sa isang barkadahan, ang grupo na higit na kilala ngayon sa taguring Artists of Tanay ay nagdaraos ng taunang eksibit sa kanilang bayan. Malimit ding makita ang kanilang likhang-sining sa iba't ibang galerya sa Metro Manila, lalo na sa Artwalk ng Megamall. Panauhing pandangal sa naturang okasyon sina Prof. Carmelita Ramirez, direktor ng Office of Alumni Affairs, at si Dr. Josefina Agravante, dekana ng UP Diliman College of Arts and Letters. Dumalo rin si Prof. Brenda Fajardo ng Department of Art Studies, kasama ang mga guro sa sining mula sa iba't ibang lalawigan sa bansa. Ang eksibit ay isang pagsasanib-lakas ng Artists of Tanay, Vargas Museum at Filipiniana Research Center. Ito ay bukas sa madla hanggang Mayo 30. (FBCabangis)
|
|
| |||
|
Lupon ng Sentenaryo |
|
|||||