![]() ![]() ![]() | |||||
|
|
Gumamela para kay Gabriela, Gorya atbp.![]() Labing-isang hybrid ng gumamela, na kilala rin sa ngalang pang-agham na Hibiscus rosa sinensis, ang inilunsad noong ika-4 ng Hunyo sa pagbubukas ng "Centennial and Flower Garden Show" sa UP Los Ba¤os. Ipinangalan ang mga bagong uri sa ating mga matatapang na bayaning Pilipina. Kikilalanin ang mga gumamela bilang: "Oryang" (Gregoria de Jesus), "Tandang Sora," "Gabriela" (Silang), "Nazaria," "Ningning," "Nay Isa," "Lolay," "Gloria," "Henerala Agueda" (Kahabagan), at "Marcela" (Agoncillo). Ang ika-labing-isang uri ay pinangalanang "Sentenarya" bilang espesyal na pag-alala sa sandaang taong deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas. Ang paglikha ng mga bagong gumamela ay pinagsikapan ng grupong nasa pangunguna ni Prop. Reynold B. Pimentel mula sa Surian sa Pagpapalahi ng Halaman. Nilarawan ang mga ito ni Gng. Iderlina Cervantes-Guevara, isang retiradong propesor ng kimika sa UPLB, sa pamamagitan ng oil on canvas.
|
|
| ||
|
Lupon ng Sentenaryo |
|
||||