NewsSentenaryo98Home

Si Rizal at ang Butiking Lumilipad...

Alam ba ninyo na dalawang uri ng hayop -- isang uri ng butiking lumulipad (flying lizard) at isang uri ng salagubang_ang nadiskubre ni Dr. Jose Rizal noong siya ay desterado sa Dapitan? Ang dalawang hayop ay binansagang Draco rizali at Apogonia rizali bilang parangal kay Dr. Rizal sa kanyang pagkakadiskubre sa mga ito.

Nakahiligan ni Dr. Rizal ang pangongolekta ng iba't-ibang uri ng ispesimen na kanyang ipinadadala sa mga dalubhasa sa pag-aaral ng hayop at halaman sa Europa kapalit ng mga libro at ilang kagamitang pang-medisina.

Ang Draco rizali at Apogonia rizali ay ilan lamang sa mga hayop na kabilang sa eksibit na itinanghal ng UP Los Ba¤os noong Hunyo 4 sa DL Umali Hall, UP Los Ba¤os, Laguna at noong Hunyo 15 sa UP Diliman. Ang eksibit ay binubuo ng mga buhay at nakapreserbang katutubong halaman at hayop pati na ang mga hayop na hindi nakikita ng mata lamang (micro-organisms). Ang lahat ng mga organismo ay may malaking naitulong sa pagsulong ng medisina at agrikultura sa ating bansa.

Sa ngayon, mayroong 52,600 uri ng organismo sa ating bansa at 40 porsyento sa mga ito ay matatagpuan dito lamang sa Pilipinas.

Ayon kay Professor Edwino S. Fernando ng UPLB AD Hoc Committee sa Philippine Biodiversity Exhibit, ang "biodiversity" ng ating bansa ay isa sa pinaka-mayaman sa Asya. Ang yamang ito ay dahil sa mayabong na heolohikal na kasaysayan ng ating kapuluan. Ang bulubunduking topograpiya at kakaibang karakter ng kapuluan ng Pilipinas ang nagbibigay sa mga organismong nakatira dito ng mas magandang pagkakataon upang mamuhay at magpadami.

Naniniwala si Prof. Fernando na importante na makonserba ang biodiversity ng ating bansa sapagkat nakasalalay dito ang ecological balance. Ipinaliwanag niya na ang balanseng ito ang nagdudulot ng malinis na hangin at tubig at matabang lupa.

Ang eksibit ay isa lamang sa mga gawain ng UPLB bilang paggunita sa sandaang taong anibersaryo ng kalayaan ng deklarasyon ng ating bansa. Ang Philippine Biodiversity Exhibit ay inaasahang muling itatanghal sa iba't-ibang campus ng UP.

(CHSese)

Mga Dagdag na Balita

See Also

Schedule of Events
UP Centennial Celebrations Home Page


  Main Themes U.P. Decade Mailing List Feedback

Centennial Logo

Lupon ng Sentenaryo
Copyright © 1998 University of the Philippines
Design by CSSP Computer Lab Web Design Group