NewsSentenaryo98Home

Sentenaryo sa TV

Bilang pag-gunita sa sentenaryo ng kalayaan ng Pilipinas at sa pagdiriwang ng ika-90 anibersaryo ng UP, dalawang espesyal na programa ng UP Open University (UPOU) ang lumabas sa RPN 9 noong ika-18 at 25 ng Mayo.

Tinalakay sa unang palabas ang Himagsikang Pilipino, Deklarasyon ng Kalayaan ng Pilipinas at gayundin ang mga papel na ginampanan ng ating mga bayani sa paghubog ng ating lipunan. Ang papel na ginampanan ng UP sa kasaysayan ng Pilipinas at sa pakikipaglaban nito upang makamtan ng bansa ang inaasam na kalayaan mula sa mga dayuhang mananakop ang paksa ng ikalawang programa.

Kabilang sa mga umupo sa panel sina Pangulong Emil Q. Javier, Rehente Oscar Alfonso, at Dr. Ma. Luisa Camagay, tagapangulo ng UP Lupon ng Sentenaryo. Si Tsanselor Ma. Cristina Padolina ang siyang tumayong tagapagsalita ng dalawang espesyal na yugto ng Open UP.

(LRLusterio)

Mga Dagdag na Balita

See Also

Schedule of Events
UP Centennial Celebrations Home Page


  Main Themes U.P. Decade Mailing List Feedback

Centennial Logo

Lupon ng Sentenaryo
Copyright © 1998 University of the Philippines
Design by CSSP Computer Lab Web Design Group