Upang lalong pasiglahin ang Pamaskong Palatuntunan sa taong ito, ipagpapatuloy ng Office for Initiatives for Culture and the Arts (OICA), Office of the Vice Chancellor for Student Affairs (OVCSA) at ng University Student Council (USC) ang ngayo’y taunan nang Karolfest. Ito ay paligsahan ng mga pinakamahuhusay na koro mula sa hanay ng mga estudyante. Magtatagisan ng galing sa pag-awit ng mga Christmas carols o mga Pamaskong awit ang mga amatyur na koro na binubuo ng mga estudyante ng iba’t ibang kolehiyo sa UP Diliman.
ISKEDYUL NG PALIGSAHAN
Pagpili ng mga kinatawan ng kolehiyo: Simula ngayon hanggang umaga ng Biyernes, Nobyembre 27. Pamamahalaan ito ng College Student Council.
Pagpapatala ng mga pangalan ng kinatawan at mga pamagat ng aawitin: Magpatala sa opisina ng OICA sa kanang lobby ng University Theater hanggang sa Biyernes, Nobyembre 27. Ilakip ang sertipiko mula sa Kalihim ng Kolehiyo na nagpapatunay na ang mga miyembro ng koro ay mga rehistradong mag-aaral ng kolehiyong kinakatawan. Mas mainam kung may kalakip na larawan para sa publisidad. Ang mga isusumiteng pamagat ng mga napiling awitin ay hindi maaaring palitan pagkaraan ng Miyerkoles, Disyembre 2.
Araw ng paligsahan: Miyerkoles, ika-9 ng Disyembre, ika-3 hanggang ika-7 ng gabi, sa University Theater.
MAHALAGANG MALAMAN
Upang makapaghanda para sa paligsahang ito, maaaring humingi ng tulong pinansiyal sa OICA, na handang magbigay ng P3,000 bawat College Student Council na sasali sa palatuntunan. Isumite ang aplikasyon hanggang sa Biyernes, Nobyembre 27. Ang paghingi ng tulong pinansiyal ay ituturing na pangako ng pagsali sa Karolfest 2009 at pag-awit sa Paskong Palatuntunan sa gabi ng Parada ng mga Parol.
MGA ALITUNTUNIN
Sino ang maaaring sumali:
Mga aawitin
Awitin ang mga sumusunod:
Takdang oras
Bawat koro ay dapat umawit ng nakatakdang 3 awitin sa loob ng 10 minuto lamang. May bawas sa score kapag lumampas sa takdang oras. Kapag humigit sa 12 minuto ang pagtatanghal, maaaring patigilin ng mga organizers.
Inampalan at batayan ng pagpili
Pipiliin ng OICA ang mga bubuo ng 3 miyembro ng lupon ng inampalan. Kabilang ang mga sumusunod sa batayan ng pagpili ng mga tatanghaling pinakamagagaling ng koro: interpretive skills, technique (voice quality, diction, tonal quality, collaborative ability), overall musicianship, at stage presence (projection/ presentation, costume, audience impact).
Mga karagdagang alituntunin
Mga magwawagi
Itatanghal ang mga magwawagi sa Paskong Palatuntunan pagkatapos ng gabi ng Parada ng mga Parol sa Disyembre 18, matapos pangunahan ng lahat ng koro ang community singing ng mga awiting Pamasko. May mga premyong naghihintay para sa mga magwawagi!
MAKIPAG-UGNAYAN SA OICA (nasa kanang lobby ng University Theater)
PARA SA IBANG DETALYE. HANAPIN SI Bb. Phoebe Rostrata.